10 Uncommonly Used Filipino Words

Table

UNCOMMONLY USED WORDSDEFINITION (ENGLISH Translation
FILIPINO Definition)
EXAMPLE IN A SENTENCE (FILIPINO)
HidhidSelfish-walang puso o makasarili“Kilala si Anna bilang isang hidhid nababae sapagkat siya’y sakim sa kayamanan at hindi tumutulong sa kapwa.”
MasimodGreedy voracious-malaki, madali at matakaw kumain“Napakasimod na batang ito. Paladampot at palasubo ng kahit na anong pagkain.”
DumatalArrive-dumating o sumapit“Matiwasay na dumatal ang mag asawa sa Espanya.”
AnluwageCarpenter-tao na gumagawa ng mga estraktura o kasangkapan na ginagamitan ng kawayan o tabla“Tumawag ka ng alwage para ayusin ang sirang bintana.”
HangganBoundary-hantungan, hangganan, dulo o wakas“Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan.”
PaynetaComb-ginagamit bilang pang-ayos ng buhok“Lubos na nagalit si Andrea dahil pinagpapasahang ginamit ang kanyang payneta.”
LantutayLaziness-isang ugaling mayroon ang mga Pilipino“Hindi ka aangat sa buhay kung ika’y lantutay.”
DuyogEclipse-paglalaho ng buwan“May duyog daw na magaganap bukas.”
AlimusamSmell-isang kapansing pansing amoy lalo na ang isang nakaka-aya“Tila dumikit sa aking damit ang kanyang alimusam.”
SambatFork-ginagamit para sa pag angat ng pagkain“Si Jr ay hindi sanay kumain pag walang sambat na gamit.”

Article

Wika Mo, Tangkilikin Mo

   Sa sobrang daming salita, hindi na maiiwasang mabago at malimutan ang mga sinaunang salita. Bukod sa hindi na ito napapanahon ay naapektuhan na din ito ng mga banyagang salita.

   Isa ang Pilipinas sa mga bansang nagpapa-impluwensya sa ibang bansa. Halimbawa na lamang nito ay ang pagkakaroon ng interes ng mga kabataan sa musika at pananalita ng kanilang iniidolo sa ibang bansa. Bunga nito ay ang paglimot sa mga salitang nakagisnan ng ating mga ninuno.

   Sa patuloy na pagdaan ng panahon ay patuloy pa rin nating tinatangkilik ang lengguwahe ng ibang. Habang patuloy na natutuklasan ang lengguwahe ng ibang bansa, patuloy na nakakaligtaan ang lengguwahe ng Pilipinas.

   Bago makaligtaan ang mga sinaunang salita at bago natin tangkilikin ang lengguwahe ng iba ay matuto tayong tangkilikin ang sariling atin. Hindi masamang makatuklas at matuto ng ibang lengguwahe, ngunit tayo din ang magsisisi sa huli kung hindi na natin pahahalagahan ang ating lengguwahe.    Naghirap ang ating mga ninuno na ipagtanggol at maging Malaya ang ating bansa. Kaya huwag nating baliwalain ang kanilang paghihirap. Ayon nga kay Dr. Jose Rizal “Ang hindi marunong magmahal sa sariling Wika ay higit pa sa malansang isda.” Hali na’t magbalik tanaw at tangkilikin ang sariling atin.  

Vlog

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started